Alessia
Naalimpungatan ako nang biglang parang may dumagan sa mukha ko. Malala pa ay parang— bakit amoy tae?!
Naku naman!
Paunti unti ko sanang imumulat ang mga mata kaya lang parang may pumipigil sa talukap ko. Hindi ko mabuksan.
Dali dali ay hinawi ko ang kung anuman.
Meme talaga oh! ang pusa kong mabantot ang puwitan at amoy patay ang hininga. Sa mukha pa talaga pumatong!
Humikab pa ito sa aking harapan at doon ko napatunayan na kasing baho ng imburnal ang bunganga niya. Minsan napapaisip na lang ako kung bakit ganoon na lamang kabaho ang hininga ng pusa ko gayong parehas lang naman kami ng kinakain.
Hindi mabaho ang hininga ko. Makatatlong beses kaya ako nagsesepilyo.
Mabilis kong tinungo ang banyo at nagbanlaw ng mukha. Naisip ko palang na may dumikit na ipot sa mukha ko ay masuka suka na ako.
Napatakip ako sa bibig. Argh!
Hindi naman sobrang arte pero sino ang may gustong madiktian ng tae sa ano mang parte ng katawan. Siguradong maiinis pwera nalang kung trabaho ang pinaguusapan.
Mabilis kong tinungo ang banyo. Sinabon ko ng maigi ang mukha saka nagbanlaw. Nagsepilyo. Sinuklayan ang nagkabuhol buhol na buhok kong may pagka-kulot na umabot hanggang sa aking balikat.
Humarap ako sa salamin upang tingnan kung presentable na ang itsura ko.
Tiningnan ko ang may katilusan kong ilong na namana kay tatay. Medyo makapal na labi ngunit hindi tulad ng mga retokada ay sakto lamang na bumagay sa aking mukha. Ang mata kong itim na mayroong malalantik na pilikmata na ikina-pungay nito.
Hindi rin ako tulad ng iba na tinutubuan ng mararaming tigyawat sa mukha. A bit lang, a bit.
Muli kong pinasadahan ang sarili bago pinihit pabukas ang pinto.
Bumangad ang kapatid kong si Juno na naglalaro nanaman ng turumpo sa sahig.
"Ate! Buti at gising kana hehe gutom na ako eh teh!" Sabay sumenyas ng maawa-ka. Ang galing magpaawa eh mukhang nanguuto naman.
"Osya! sandali lang ha titignan ko kung anong mailuluto."
Naglakad ako papuntang kusina at tiningnan ang lagayan ng mga sangkap pangluto. Napahawak ako sa noo nang makita na hindi sasapat iyon para sa pang-umagahan naming magkapatid.
"Juno! Lalabas lang ako sandali, huwag kang lalabas ng hindi nagpapaalam sa akin, bibili lang ako ng lulutuin."
"Opo ate, hindi naman ako lalabas ngayon. Wala naman kasi sina Boyong at Pipoy." Sina Boyong at Pipoy ang kinalakihan ng kalaro ni Juno na kapitbahay lang namin. Pero malayo layo pa ang distansya ng bahay namin sa mga iyon. Kaunti lamang kasi ang mga kabahayan sa amin.
Malamang ay dahil araw ng Linggo tinuturuan sina Boyong at Pipoy ng kanilang ina sa bahay para sa paghahanda nilang tumuntong sa Highschool. Nagtitinda sa palengke ang hanap buhay ng mga magulang nina Boyong at Pipoy kaya't inilalaan na lang sa Linggo ang oras sa pagtuturo sa mga bata. Medyo hindi pa kasi matatas ang pagbabasa nila.
Tahimik kaming namumuhay sa probinsya. Malayo sa naguumpukang tao sa daan at naglalakihang building. Ulila na kaming magkapatid sa magulang isang taon nang nakalipas. Ang magulang namin ay nakasakay sa isang bus noon, lulan ang mga paninda naming gulay ngunit sa kasamaang palad ay mayroon palang rumaragasang truck ang pasalubong sa mga ito ayon sa pulisya na ikinamatay nila.
Hindi na umabot sa ospital sina nanay at tatay, binawian sila ng buhay. Lubos kaming nagdalamhati sa biglang pagkamatay ng mga magulang namin ni Juno at pinilit kong magpakatatag para mabuhay kaming dalawa. Mabuti na lang at naturuan ako ni nanay sa pananahi ng damit na pinagkakasya ko ang bayad na nakukuha ko dito. Pang side line lang, pagtitinda ng kakanin sa palengke ang talagang kabuhayan namin.
Tinanguan ko na lamang si Juno at tuluyang lumabas sa kahoy na gate. Naghintay na lang ako sa harap ng gate namin dahil mayroon namang dumarating na nagtitinda ng rekados sa umaga.
Abala ako sa pagbibilang ng pera sa pitaka nang maya maya ay narinig ko ang nagtataho sa aming lugar. Boses binata ang nagtataho.
Tinignan ko ang sarili kung maayos naman ang damit ko, na kung bagay ba sakin ang suot ko. Gusto kong magmukhang presentable sa pag harap rito.
Ayaw ko namang masabihan na pangit na akong manamit ay magulo pa ako manamit.
Sa pagtingin ko sa paparating na magtataho ay mukhang mahigit sinkwenta o kwarenta na ang edad nito. Bigla kong naisip na mayroon nga talagang sa ikina bata ng boses ay yun rin ang kinatanda ng hitsura. Naalala ko ang boses sa likod ng isang channel sa telebisyon, simula noong bata ako at tumanda na ay para hindi yata tumatanda ang boses nila. Paano nila kaya nagagawa yun?
Nakita ko ang mabagal nitong pagpidal sa tatlong gulong na bisikleta patungo sa kinaroroonan ko. Nakikita ko itong tumatalbog kasama na ang tinda nito palapit sa kinaroroonan ko. Ang dami kasing hukay sa daan. Ewan ko na lang at kung bakit hindi pa pinapagawa ang daan rito sa amin, naawa ako dun sa nagtataho eh baka mangalahati na yung tinda niya pagkarating sa main road papuntang palengke.
"Taho! Taho! Ineng bibili kaba?" Umiling na lang ako dito. Gusto ko mang bumili ngunit baka hindi na aabot ang pambili namin sa pangumagahan hanggang panghapunan.
"Baka bukas nalang ho manong!" Nasabi ko na lang kahit sa tingin ko ay hindi kami magpang-abot bukas, maaga akong maglalako ng kakanin bukas tapos maaga rin siyang napapadaan sa amin. Malay ko na lang.
Naghintay pa ako ng kalahating oras doon. Ramdam kong namamanhid na ang paa ko sa tagal kong nakatayo. Bakit wala pa yung naka-tricycle na nagtitinda ng isda, karne at gulay? Araw araw dumaraan dito yun ah ngayon lang yata pumalya o baka nagkasalisi kami.
Biglaang nangati ang braso ko. May lamok. Tinampal ko iyon ng may kalakasan. Kaya lang nakatakas pa! Ang sarap talagang sunugin ng naglalakihang damo dito sa amin. Doon kase pumipirme iyong mga lamok.
Mainit na rin ang tama ng araw sa maputi kong balat na pawang namumula na rin.
Magaalas-otso na rin kaya mainit init na ang sinag ng araw. Pasimple kong inamoy ang sarili kung amoy araw na ako, ayos pa naman. Amoy sabon pa.
At baka mang-amoy dagang mahaba ang nguso...
Yayks!
'Ni ang pusa kong si Meme ay ayaw sunggaban yung dagang iyon dahil sa amoy kili kili..
Maya maya ay nakarinig ako ng kaluskos sa gilid ng daan ng bukid na nasa harap ng bahay namin. Nakita kong sa medyo matalahib na parte na iyon ay parang may gumagalaw.
Asong gala?..di kaya dagang malaki?
'Wag naman sana iyong nauulol na aso eh malala raw ang rabbies ng mga iyon.
Baka aso nga? Kung hindi naman ulol ay pwede kong ampunin para may magbantay sa bahay...
Sa kuryosidad ay napalakad ako sa kinaroroonan sa gumagalaw na damong nagtataasan hanggang baywang ko.
Ngek! Kung hindi asong ulol ang makita ko dito ay baka ahas pa ang masagupa ko...
Hayaan ko na nga lang..
Mahal ang injection anti-rabbies habang kung natuklaw naman ako ng ahas ay baka dead-on-arrival pagkarating sa ospital!
'Yaan na nga, malayo ang ospital habang mahal rin naman ang magpaospital..
Tumalikod na ako paalis. Pupunta na ako ng pamilihan. Kalahating oras pa ang lalakaran ko bago makasakay ng jeep papunta ng palengke.
Ilang hakbang palayo ang nagawa ko...nang marinig kong boses tao—lalaki.
Sa inaasahang likas ang pagka-mausisa ko ay usang lumakad pahakbang ang mga paa ko pabalik roon sa damuhan kanina. Lahat ng kapraktikalang rason ng utak ko upang huwag lang sumulong sa damuhan ay tinangay ng hangin.
Malay ko at baka hangin na rin lang ang sa utak ko na hindi man ako nakaisip ng safety measures sakaling susuungin ko ang nagkakapalang damong talahib. Na ganon na nga talaga ang ginawa.
Hinawi ang nagtitirikang talahib.
Unti unti ay nasilaw sa malaking bulto ng lalaki..
Makisig..matipuno..Macho-man
na tipo mo!
Tipo nga pero komplikado at mukhang hindi naman magkakaroon ng interes ang probinsyanang tulad ko.
Nakakapanlambot sa naisip at panghihinayang.
anyways.. nangangailangan ang adan na ito pagkakita ko pa lamang.
Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pabuluktot itong nakahiga na pawang natatakot o nilalamigan.
Habang tinititigan ko ito ay mukhang gutom na gutom ito, hawak kasi nito sariling tiyan habang nakabaluktot.
Napano si kuya?
Ilang sandaling pagtitig ko dito ay bumiling ito paharap sa akin. Dahilan kaya't mas natitigan ko ang mukha niya.
Sa gilid ng kilay nito ay may parang kagagaling pa lang na peklat na maliit. Makikita lang ito kapag sa malapitan, mukhang nawawala na rin pero umumbok ang balat ng peklat.
Gandang lalaki. Mukhang trenta pababa ang edad. Kahit na madumi at puno ng gasgas ay gwapo pa rin.
Maangas ang hilatsa ng mukha na parang mahirap pakiusapan...
Ilang taon na nga ba ako? Dalawampu't apat na ako at bakit ko naman natanong kung anong edad na ako? Hindi ko naman siguro pinagpantasyan ang lalaking ito, kinakalkula ko lang kung ilan ang agwat namin sa isa't isa.
'tipo mo nga'
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko.
Mas pinakatitigan ko ang lalaki, ang suot ay punit punit na puting longsleeves at maong na itim. Mayroon din itong kakaunting gasgas sa pisnge dulot siguro sa nangyari dito. Pababa sa nanghahaba ng bigote. Wala rin itong sapin sa paa.
Wala ba itong bahay at doon ito nakatulog? Hindi ko rin maitanggi na medyo may hindi kaaya aya na siyang amoy.
Sinubukan ko itong tawagin. Nagalangan pa ako ng konti na baka biglang magalit ito sa akin at baka magwala. Baka pala baliw ito. Hindi ko rin ito kilala at malala kung masama pala itong tao.
Malayo pa ang kapit bahay namin na kalahating kilometro pa yata ang layo...
Paano pa ako makakahingi ng saklolo eh ang kapatid ko lang saka ako ang naririto.
Ilang beses ko itong sinubukang gisingin.
Kung sa hinala ko ay gagawa ito ng ikakasama ko ay tatakbuhin ko ang tabak ni tatay sa ilalim ng kama....
Kinabahan ako ng makita ko ng paunti unting kumibot ang mapang-akit nitong pulang labi.
Naglaway ang bibig ko at napalunok ng mariin.
'Di ko alam kung bakit...
Kasabay nito ay ang unti unting pagmulat ng mata niya.
Parang sinikmiraan ako at hindi ako makahinga sa pagbalik ng titig ko sa kaniya.
Napatikhim nalang ako ng ilang minuto ang pagtitigan namin.
Ang lakas manghatak ng hitsura niya ah!
Lalo na sa mga mata niyang nang-aalo at mukhang maiiyak habang nakatingin sakin.
Bakit parang ipinapahiwatig ng mga mata niya na nasasabik siyang makita ako at ayaw iwanan siya. Rason upang magluha siyang nakatingin sakin.
Bumaba ang tingin ko sa nanghahalina niyang mata patungo sa papausling bibig niya... at ang salitang binigkas nito na kiniligalig ko.
"Ma-ma?..." Ang bata ko pa para tawaging mama... saka wala pa akong anak!
°~•~†~•~°