Chapter 37: Unveiled Destiny Mayari's Point of View Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang insidente sa airport. Umuwi na ako dito sa bahay namin sa Cebu at sa isang linggo na lumipas ay wala miski isang mensahe o tawag akong natanggap mula kay Riley. Para bang isa siyang bula na bigla na lamang nawala. Walang paramdam man lang. Ni hello, ni hi, wala. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit hindi nagawang sumipot ni Riley sa usapan namin. Nagbago ba ang kaniyang isipan? Na-realize na ba niyang ayaw niyang madawit sa problemang mayroon ako? Na-realize na ba niyang hindi ako ang tamang babae para sa kaniya? Atsaka paanong nalaman ng mga magulang ko na nasa airport ako at nagpa-planong umalis? Ang daming tanong ang bumabagabag na tanong sa aking isipan ngunit ala

