Chapter 14: Revelations and Resolution Mayari Calleope's Point of View "Tell us what?" Napakagat-labi ako ng makita ko si Alex na nagtatakang nakatingin sa amin ni Amara. Sa likod nito ay sila Ashley at Sophia na halatang nagtataka rin sa kung anong nangyayari. Palihim kong tinignan si Amara na para bang nanghihingi ako ng tulong sa kaniya sa kung ano ba ang dapat kong gawin. Ayokong maglihim sa mga kaibigan ko, ayoko rin magsinungaling. Ngunit hindi ko rin alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Riley. Tinanguan naman ako ni Amara na para bang sinasabi niyang okay lang na sabihin ko sa iba pa naming kaibigan ang tungkol sa amin ni Riley. Napatingin naman ako kela Alex na naghihintay pa rin ng sagot sa tanong niya. Napalunok na lamang ako. I don't really kno

