"This hurt that I've been through... I'm missing you, and I'm missing you like crazy... oohh," ang atungal ni Third Mate habang damang-dama nito ang pagkanta. Sumimsim ako sa hawak kong beer, hindi ko maiwasang mapangiti habang napapailing. May papikit-pikit pa kasi itong nalalaman, parang may pinagdadaanan.
Kasulukuyan kaming na nasa smoking room. Naglabas kasi si Kapitan ng alak kanina kaya nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan. Nagluto naman ng pulutan si Mayor at Messman, habang ang iba ay abala sa videoke at pagtatagay.
Pagkatapos kong kumain ng tanghalian kanina, tumungo muna ako sa kabina ko para maidlip dahil Sabado naman at half day lang ang trabaho ko. Pagkagising ko, agad akong bumaba. May tinatawag kaming "Sabado Nights" para sa paminsan-minsang pagtipon-tipon ng mga crew. Kaunting salu-salo, kung saan sasabayan ng kantahan at inuman. Minsan ay may BBQ party na ginaganap o 'di kaya ay shower party, pero ngayon ay sa loob lang muna kami dahil medyo abala pa sa trabaho at hindi nakapaghanda.
Pero mas sabik akong maranasan ang shower party. Gusto kong malaman kung ilang katawan pa kaya ang may tinatagong kasarapan na hindi ko pa nakita.
Tuloy ang kasiyahan namin. Samantala, ako tinitipid-tipid ko ang isang lata ng beer na hawak ko para hindi ako malasing agad.
"Kanina pa 'yang hawak mo 'det ah!" puna ni Maestro, "Parang hinahalik-halikan mo lang ata 'yan beer mo, tunggain mo na 'yan dahil marami pa tayong uubusin."
"Siyempre, para naman kung may matumba na, andito akong susubo-este, aakay," sa loob-loob ko. Tipid naman akong ngumiti kay Maestro. "Dahan-dahan lang po muna ako 'tro, mabilis kasi akong malasing eh," pagdadahilan ko at saka ako sumimsim ulit.
Maaga pa naman kaya chill lang muna ang atake ko dahil mahaba pa ang gabi, at sa tingin ko, sa mga abilidad nitong mga kasama ko, mukhang aabutin pa kami nito hanggang madaling-araw.
Malakas magkuwento ay sina Maestro at Chief Engineer, madami silang baon, mga matagal na kasi nagbabarko kaya maramin nang karanasan. Mga nakakatawa, nakatatakot kagaya ng mga nagpaparamdam daw sa barko, mga kuwento tungkol sa hindi pagkakaunawaan sa trabaho, mga disgrasya sa karagatan at hindi talaga mawala ang usapan tungkol sa mga babae, lalo na sa Thailand at Brazil.
Pero madalas kong kausap at masasabi kong ka-close ko na talaga ay sina Gio dahil lagi akong tambay sa kabina niya o'di kaya ay doon ito nalalagi sa akin-at sina Red at France, na parang lagi kaming magkadikit na tatlo. Kung saan ang isa ay nakabuntot din ang dalawa, sabay kaming kumain at sabay din kung maligo. Nakikita ko na nga sa repleksiyon ang malilikot nilang mga b***t, pero hindi ko pa nakita na tumigas ito.
Magkatabi kami ni Gio. Sa kanan ko naman ay si France, at sa tabi niya ay si Red. Habang masaya kaming nagkukuwentuhan, pansin ko ang mga tuhod ni France na para bang marahan na kumikis sa tuhod ko. Paulit-ulit ito, at hindi na ito basta aksidente lang. Matagal na kasi ang ginagawa niyang paghagod, at ramdam ko ang nabubuong init ng intensyon nito. Subalit tuloy pa rin siya sa pakikipag-usap at pakikipagtawanan. Parang wala lang ito sa kanya, pero ako, nalilibugan na sa pinaggagawa niya.
"Baka hindi lang niya namamalayan," napalunok ako, habang pinipigilan ang pagngiti.
Naubos na ang laman ng hawak kong lata kaya kumuha pa ako ng isa, subalit nakaharang si France na abala sa pakikipagkuwentuhan. Hindi tuloy maiiwasang idikit ko ang aking katawan sa kanya, dama ko ang pagdampi ng mga braso namin. May kung anong kuryente akong naramdaman. Minsan, kapag aabot ako ng pulutan, naitutukod ko ang kamay ko sa hita niya, sinasadya kong damhin ang kalamnan nito. Kapag nag-uusap naman kami, gawa ng may kalakasan ang speaker ay hindi kami masyadong nagkakarinigan. Kaya kapag may sasabihin, napipilitan kaming ilapit ang mukha sa tainga ng aming kausap. Sa bawat bigkas ng mga salita, ang mainit na hininga ni France ay nagdudulot ng pagtayo ng aking mga balahibo. May kiliti na hatid ang bawat pagdampi nito sa balat ko.
May pagkakataon naman na bigla akong lilingon sa kanya, dahilan para muntik nang magdikit ang aming mga labi. Napako ang tingin ko dito, parang may nagtutulak sa akin na sunggaban ito.
Si Gio naman kaswal lang na inilapit ang katawan sa akin, hanggang sa napaakbay ito. Minsan ay ako naman ang aakbay sa kanya. Pero ang aking malikot na kamay ay minsan napupunta sa hita niya na hindi ko namamalayan at magugulat na lang ako nakapatong na ito. Hanggang kalaunan ay sinasadya ko na rin mismo at matagal ko kung alisin. Baliwala lang naman ito sa kanya, kahit minsan ay nasasagi ko pa nga ang tite nito, pero wala pa rin itong imik.
Malawak ang ngiti ko dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko, "Napapagitnaan talaga ako ng mga crush ko," hindi ko rin mapigilang kiligin nang palihim.
Naguguluhan nga lang ako sa napapansin kong kilos ng dalawa, dahil kapag naghaharutan kami ni France ay bigla namang sisingit si Gio at nilalayo niya ako kay France. Hindi rin nakakaligtas sa paningin ko ang masamang tingin na ipinupukol ni France sa kanya, pero parang baliwala lang din ito kay Gio at tila ba lalo pa nitong inaasar si France. Kapag sobrang dikit na din ako kay Gio, bigla akong hahawakan ni France sa braso at hihilahing palapit sa kanya, kunwaring may gustong ipapakita o may kuwentong kailangan kong marinig. Pakiramdam ko tuloy ay pinag-aagawan nila ako. Hindi naman ito big deal sa akin, bagkus ay natutuwa pa ako sa atensiyong inilalaan nila sa akin.
Lumipas ang mga oras, halos nakarami na ang iba at mapapansin na may mga tama na. Ang ibang kanina pa na nag-iinom ay umakyat na rin para magpahinga o 'di kaya ay mag-duty na. Pinalitan naman sila ng mga kakatapos lang ng shift.
Napatingin ako sa orasan, "Mag-aalas diyes na pala," nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Nag-iinit na ang aking pisngi, hindi ko na mabilang pa kung ilang lata ng beer at shot ng Bacardi ang nainom ko.
"'det!" Tawag sa akin ni Chiefmate. Pag-angat ko ng tingin ay sumenyas ito sa akin na mauna na akong umakyat. Napansin siguro nito na antok na ako.
Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan na tumayo, "Akyat na po muna ako, mga sir," paalam ko, pero kinatiyawan ako ng ibang kasama namin.
"Maya na, 'det, samahan mo pa kami. Ngayon pa lang tayo nagkasamang uminom, eh," ani Chief Engineer, bakas na rin ang kalasingan sa pananalita at kilos nito.
Hinawakan naman ni Gio ang kamay ko at hinila ako pabalik sa pag-upo. "Hatid ka lang namin mamaya kapag wala ka nang malay," nagtawanan naman sila sa sinabi niya.
"Ubusin na lang natin 'to, ang isang bote, 'det. Sabay na tayo umakyat," sabi ni Maestro habang itinuturo ang bote na halos kulang kalahati na lang ang laman. Napangisi na lang ako habang nag-aalangan, nahihiya na akong tumanggi.
"Akin na 'yang baso mo. Ito, magpulutan ka na lang muna para hindi ka mapuruhan," saad ni Red, kinuha niya ang baso ko at inabot ang pulutan.
"Ayon! Tara, cheers!" Malakas na sigaw ng isang Oiler, at sabay-sabay na itinaas ang kanilang mga baso.
Inabot na ng alas dose, at kaunti na lang kaming natitira. Napakabusy-busyhan na lang ako para maiwasan na mapuruhan sa alak, may kukuha ako ng yelo o 'di kaya ay magtapon ng basura. Pansin ko na tila wala nang pakialam sa paligid ang mga kasama ko kaya dahan-dahan paglabas ko ay lumiko na ako paakyat ng hagdan subalit nakasalubong ko naman si Messman.
"Saan ka pupunta, 'det?" tanong nito.
"Ah, sa CR lang, naiihi na kasi ako," pagdadahilan ko at nilampasan ko na ito. Nakasunod pa ang tingin niya sa akin kaya naman napilitan akong lumiko papunta sa banyo. Umihi na lang din ako, pero pagkatapos ko, nang wala ng tao sa hallway ay mabilis na akong tumakbo paakyat ng hagdan.
Pagpasok ko sa aking kabina, agad kong naramdaman ng init sa aking katawan. Nagsimula nang umikot ang aking paningin, na hindi ko naman naramdaman kanina sa baba. Naghubad ako ng damit at shorts nang biglang bumukas ang pinto.
Niluwa nito si France, na naniningkit ang mga mata at namumula na rin. Pansin ko na may tama na rin ito dahil base sa kilos niya ay may bigat na rin ito maglakad. Ako naman ay sabik na sa paghiga at gusto ko na talagang matulog.
"Ang daya mo, nang-iiwan ka," sabi ni France, may bahid ng pagtatampo sa boses. Sinara niya ang pinto at saka naglakad palapit sa akin.
"Antok na ako, eh. Pahinga na muna ako," sagot ko. Mahina ang boses habang papikit-pikit ang mata.
"Tara na, baba muna tayo, at sabay na lang tayo aakyat mamaya." pamimilit niya habang hila-hila ang kamay ko.
"Ikaw na lang, France," pagtanggi ko, habang pilit binabawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
Imbes na bitawan ay lalo pang humigpit ang kanyang pagkahawak sa kamay ko, prang ayaw na akong pakawalan, "Samahan mo muna kami, kahit saglit lang. Sige na, minsan lang naman tayo mag-inom, eh," pagmamakaawa niya.
"France naman, eh! Naantok na ako, sa sunod naman," maktol ko, pero mapaglaro akong tumawa.
"Baka busy na tayo sa sunod kaya matagal pa bago ulit tayo makainom," tugon nito sabay nguso sa akin na parang bata.
Natawa naman ako sa itinuran niya. "Loko, matagal pa ang kontrata natin dito," sabi ko pa.
"Hahalikan kita mamaya kapag 'di ka sumama sa akin," banta niya, ang kanyang tinig ay nakakapanghalina. Ang banta niya ay hindi nakakatakot, bagkus ay nakakakiliti. Sabay nito ay mapang-akit siyang ngumiti, isang ngiti na nagpapahiwatig ng kanyang balak.
Nagulat ako sa kanyang tapang, pero agad naman akong ngumiti nang malaki habang tinititigan ang mga mata niya. Ang titig ko ay malalim at mapanghamon. "Bakit mamaya pa? Eh, pwede naman ngayon mo na gawin," maloko kong sabi, sabay malutong na tumawa, sinasalamin ang kanyang laro.
Lumapit siya sa akin, ang bawat hakbang ay nagpapabilis ng t***k ng puso ko. "Sige na kasi, baba na tayo, sandali na lang tayo roon. Nandoon pa naman si Red, naghihintay sa 'yo," sabi pa niya. Hindi na ako umimik; sa halip, malagkit na lang akong nakatingin sa labi niya, ang aking mga mata ay nakakapit sa bawat kurba ng kanyang bibig.
Nakita ko na dahan-dahan niyang binasa ang kanyang labi gamit ang dila niya. Isang hindi sinasadyang galaw na para bang isang tahimik at nakakalibog na paanyaya. Ang simpleng galaw na iyon ay lalong nagpainit sa sitwasyon.
Lumapit pa lalo si France sa akin, unti-unti, hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Nilapit niya ang mukha sa tainga ko at pabulong na sinabi, "Tara na, baba tayo sandali, uminom pa tayo." May init na hatid ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya, at iyon ang bumubuhay sa pinipigilan kong pagnanasa.
"Ayaw mo paawat, ha?" bulong ko sa sarili habang dahan-dahang inilapat ang aking palad at marahang hinaplos ang kanyang dibdib. Gusto ko lang sana itong lokohin para tumigil na siya sa pangungulit, pero hindi man lang ito umiwas at parang lalo pang lumapit, mukhang nagustuhan pa nito kaya ako rin tuloy ang napahinto. Para bang ako mismo ang nahulog sa bitag na ako ang naglatag.
Napalunok ako, kinakabahan pero ikinubli ko ito sa aking matamis na ngiti, "Dito na lang tayo," may pang-aakit sa tinig ko habang inilapit ang labi sa mapupulang labi ni France. Sobrang lapit na lang namin, subalit nag-iwan ako ng kaunting puwang. Hinihintay ko, baka itulak niya ako, na baka matauhan siya pero ilang segundo pa ay walang nangyari. Nanatili kami sa parehong posisiyon, ang mga mata namin ay tila nag-uusap, tila naghihintay kung sino ang mauunang kumilos.
Para akong nilamon ng sandali, nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa antisipasyon. Gusto kong subukan, naisipan kong sumugal sa pagkakataon ito.
"Ayaw ko na ng alak. Iba ang gusto kong inumin, France...." At sa bawat bigkas ko sa mga salita, halos sumasagi ang labi namin, "gusto ko ng gatas..... gusto ko mula sa'yo," para akong nalalasing lalo dahil sa libog. Alam ko, na sa sinabi kong iyon ay wala nang bawian, posibleng may mabago, ang paglayo niya sa akin o ang lalong paglalapit namin sa isa't isa.
Ilang segundo ang hinintay ko, hindi umatras si France, sa halip kinagat nito nang marahan ang kanyang ibabang labi, para bang pinipigilan ang gigil. "Tsk," mahinang puna nito, may halong ngiti, "Ang hirap namang ibigay ang gusto mo, 'det," At bago pa ako makapag-isipsip ay sinunggaban na ni France ang labi ko.
Nanlaki pa ang mata ko sa gulat kahit na inasam ko naman itong mangyari, hindi ako kaagad nakatugon, pero dahil sa magaling humalik si France, mabilis akong natupok ng apoy na nagliyab sa pagitan namin. Napakapit na lang ako sa batok niya tanda ng aking pagsuko sa natitirang pagpipigil at marahas na lumaban sa halik nito.
Habang naghahalikan kami, marahan niya akong hinihila palapit sa may pinto. Akala ko ay kung ano na ang balak nitong gawin, pero i-lo-lock lang pala niya ito. Kumalas siya, at sa isang mabilis na galaw, hinubad niya ang kanyang damit, kaya ngayon nakalantad sa harap ko ang kanyang hubad na katawan. Muli nitong sinunggaban ang labi ko at sa pagkakataong ito, itinulak niya ako sa kama. Ang mga titig ni France sa akin ay matalim, nagliliyab, punong ng kahayukan.
Damang-dama ko ang katigasan niya nang siya ay umibabaw sa akin. Hinalikan niya ako pababa sa aking leeg, patungo sa u***g ko. Ang labis sarap na aking nararamdaman ay hindi ko mapigilan, kaya isang garalgal na ungol ang kumawala sa akin.
"Aaaah! Ang sarap, France!" daing ko habang dumadaloy ang hindi mapigilang kiliti sa aking katawan.
Itinulak ko siya at mabilis kaming nagpalit ng puwesto upang nasa akin naman ang kontrol. Dinilaan ko ang leeg niya 'tsaka marahan na sinipsip ang balat nito habang tinitiyak ko naman na walang maiiwan na marka. Pinasadahan ko din ang dibdib niya pababa sa kanyang tiyan, na dahilan ng pagliyad niya dahil sa dulot na kiliti ng aking paghimod. Sunod ay dinukot ko ang b***t niya, dama ko dito ang sumisingaw na libog, patunay ang pamamasa ng butas nito dahil sa paunang katas.
"Sumusubo ka ba?" tanong ni France. Umangat naman ako ng tingin, sa pagtagpo ng aming mata ay nakita ko ang pagnanasang namamayani dito. "Gusto mo bang isubo 'tong b***t ko?" alok pa niya.
"Kasya ba sa bibig ko 'to?" mapang-akit na sabi ko habang inginunguso ang b***t na hawak ko at patuloy kong nilalamas.
"Sukatin mo ng bibig mo para malaman natin," tugon ni France, punong-puno ng libog sa tinig niya habang ang kamay nito ay hinahaplos ang katawan ko.
To be continued...