kinabukasan ay maaga silang nag layak patungo sa magical light world, sa mundo nina Nightus. kinakabahan man sila Althea pero nilakasan na lang nila ang kanilang loob na sumama. labis ang kaba ng dalawang kapatid na lalake ni Althea dahil Ito ang unang beses na pupunta o papasok sila sa ibang mundo. inaalala nila ang kanilang kaligtasan dahil hindi nila alam kung ano ba ang naghihintay sa kanila doon. pero hiling nila sa diyos na sana ay ligtas sila kapag nakarating na sila do'n. may ginawang portal sila Nightus at doon sila pumasok para makapunta sa lugar ng mga ito. akala nila Althea ay mahihilo sila o iikot ka sa loob ng isang portal kapag pumasok ka sa loob nito, pero hindi pala nakatayo lang sila at pagkalipas ng isang minuto ay nakarating na sila sa ibang mundo, na kung saan n

