Lhira POV “Palabasin niyo ako dito!” Patuloy kong kinakalampag ang pinto ng kwarto dahil nakalocked pala ito. Natatakot akong isipin na maaring may ginawa siya kat Thea. Kung magkataon ay isusumpa ko talaga siya! At baka mapatay ko pa siya. “Ano ba! Buksan niyo to!” Naramdaman ko ang pagpihit ng seradura ng pinto at bumungad sa akin si Paolo. Matalim na naman ang tingin na ipinukol niya sa akin pero wala akong pakialam kailangan kong makita si Thea! “Asan si Thea?” Kinakabahang tanong ko sa kanya. Pero naging malamig ang kanyang mga mata na nakatingin lamang sa akin. “Pakakawalan ko na siya pagkatapos ng pag-uusap natin mamaya. Ang Papa mo ang magdedesisyon noon.” Sagot niya. Pero hindi yun ang gusto kong marinig mula sa kanya. “Anong ginawa mo sa kanya? May ginawa ka ba sa kanya?

