Lhira POV Mag-iisang linggo na mula nang pumunta ako dito sa pinagtataguan nila Miguel. Nasa tatlumpong tauhan ni Anton ang kasama namin dito. Higit sa sampo ang mga kubo na naririto sa kinaroroonan namin. Dati daw itong pagmamay-ari ng mga kilusan na anti-government na sumuko na noon. Kaibigan ng ama ni Anton ang nagturo sa lugar na ito na isang militar na ngayon ay tumutulong sa amin. Kaya sigurado akong mapagkakatiwalaan ang mga tauhan niya. At ito din daw ang tumutulong kay Anton at Miguel upang mahuli si Papa. Nalalapit na rin ang paghaharap namin at pinaghandaan ko na ang bagay na yun. Tumutulong akong maghanda sa pagkain nila meron kasing nakatokang limang tao na naghahanda kaya. At naiinip na rin akong manatili sa kubo. Nakangiti akong lumapit kay Miguel bitbit ang isang malaki

