Lhira POV Bakit sa kabila ng mga nangyari ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya? Bakit nahihirapan pa rin akong tangapin na natalo siya sa laban nila ni Papa? Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Paolo kanina. Pinilit ko siyang iwan niya ako. Masama ang loob niya dahil pinilit ko siya dahil kailangan kong mapag-isa. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Gusto kong makita si Miguel. Pero paano? Ang alam niya patay na ako. At isa pa hindi ko alam kong nasan ako ngayon. Natitiyak kong mahigpit ang pagbabantay nila sa akin dahil may nakita akong mga tao sa labas ng aking kwarto. Paano kung hindi ko na mapigilan si papa ngayon anong gagawin ko? Anong balak niya kay Miguel bakit niya ito ipinakulong? Wala ako magawa sa sitwasyon ko.

