Lhira POV “Boss mga pulis…!” Imporma ng mga tauhan niyang nasa labas. Nawala sa akin ang atensyon ni Paolo at kaagad siyang lumabas ng kwarto. Tinakpan ko ang aking tenga dahil sa sunod-sunod na putok ng baril na naririnig ko. Tuluyan na ring naglaglagan ang mga luha ko sa takot. Maya-maya pa ay nagulat na lamang ako nang magbukas ang pinto. “Lhira!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Thea, at kasama pa niya si Cindy. “Nahuli na si Paolo!” Umiiyak na wika niya sa akin. Sabay lapit niya sa akin. Mahigpit kaming nagyakapang dalawa. “Ano-ng nangyari?” Humihikbing tanong ko sa kanya. “Pasensiya ka na ganda. Natagalan kami sa pag rescue sa iyo! Ayaw kasing maniwala noong pulis na nilapitan sa presinto. Mabuti na lamang at dumating si Thea doon kaya sinabi ko sa kanya. Kaya a

