5 YEARS LATER....... Limang taon na ang lumipas simula nang lumuhod ako sa harap ni Monique at hingin ang kamay niya. Limang taon simula nang tinanggap niya ako, hindi lang bilang kasintahan kundi bilang taong gusto niyang makasama habambuhay. At ngayon, nandito kami, magkasamang nakatayo sa harap ng isang bagong henerasyon—mga bagong player na susunod sa yapak ng CK Club. Nasa loob kami ng CK Club’s Elite Training Facility, isang malaking gaming hub na itinayo ko matapos ang matagumpay na panalo ng team namin sa World Championship. Dati, isang simpleng gaming organization lang ito, pero ngayon, isa na itong internationally recognized esports academy na nagpapalakas ng mga bagong talento sa larangan ng gaming. Nakatayo ako sa likod ng practice room, nakapamulsa at tahimik na pinagmamasd

