MRS. CECILIA POINT OF VIEW Simula nang ipahayag ni Monique na may relasyon sila ni Julian Marco Fernandez, hindi ko maitatangging hindi ako naging pabor sa kanilang dalawa. Hindi naman sa ayaw ko sa binata, pero bilang isang ina, hindi ko maiwasang mag-alala. Napakalayo ng agwat ng edad nila. Sa mata ko, masyado pang bata si Monique para sa isang lalaking tulad niya—may sarili nang mundo, may sariling pangarap, at higit sa lahat, may masyadong komplikadong buhay. Ngunit nitong mga nakaraang linggo, napansin ko ang pagbabago sa anak ko. Mas masaya siya. Mas determinado. At higit sa lahat, mas sigurado siya sa mga desisyong ginagawa niya. Hindi ko alam kung dahil ba ito kay Julian, pero hindi ko rin naman maitatanggi na malaki ang epekto ng presensya ng lalaking ito sa kanya. Isang gabi,

