JADE'S POVS "Seryoso? Hindi ka na aalis?" Tumango tango ako sa tanong ni Melai. "Yep, hindi na," nakangiti kong sagot. Halos magtatalon sila ni Paulo sa saya saka ako sabay na niyakap. "Mabuti naman, akala namin mabubuwag na ang tropa natin," kumento ni Paulo. Bahagya siyang binatukan ni Raquel. "Aray ko mamsh." "Gaga, anong mabubuwag? Kahit umalis si Jade, di tayo mabubuwag. May internet naman no, uso video call," paliwanag ni Raquel matapos humiwalay ng dalawa sa akin at maupo sa bench. Lunch break namin ngayon at tapos na kami kumain kaya nakatambay kami sa labas kung saan maraming upuan. "Syempre iba pa din yung nandito siya no," depensa naman ni Paulo. "Tama na yan, di na nga sya aalis, diba?" Pagitna naman ni Melai. Napailing na lang ako sa kanila't bahagyang natawa. Naibalit

