LAUREN'S POVS Pabalik balik akong lumalakad sa harapan ng salamin namin dahil hindi ako mapakali. Ngayon ko balak sabihin kay mama ang plano namin ni Fizz na pagsasama. Ilang araw na din kasi ang nakalipas simula nung napag-usapan namin iyon ni Fizz at nagtatanong na siya ng update tungkol doon dahil nasabi na niya ito sa papa niya. "Kuya, nahihilo na ako sayo," kumento ni Eyli na nakaupo sa kama namin at nakatingin sa akin. Alam na niya ang inaalala ko, suportado niya ako pero ramdam kong nag-aalala pa din siya. "Hindi ko kasi alam kung ano magiging reaksyon ni mama," tugon ko saka lumapit sa kanya't naupo katabi niya. Hindi naman tumututol si mama sa mga plano o gusto ko sa buhay pero matapos ang nangyari sa amin ni Jade Joshua, lagi na niya akong pinaaalalahanan na wag daw muna, sa

