JADE'S POVS Maaga kaming nakarating ni Kide sa airport. Ngayon ang pag-alis ko ng bansa. Settled na ang lahat, ang trabaho, maging ang sa school. "Mag-ingat ka doon," may kahinaang sabi ni Kide habang nakaupo kami sa bench. Alam kong hanggang ngayon ay hindi siya pabor sa pag-alis ko. "I'll be alright bro, wag ka masyadong mag-alala sa akin," tugon ko. Bumuntong hininga siya. "Hindi ko maipapangako, dalawa na lang tayong magkasama," napatitig ako sa kanya. Nakatingin siya sa harapan at kalmado lang ang mukha pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Malungkot akong napangiti saka ako yumakap sa kanya na bahagya niyang ikinagulat. "Bigyan mo lang ako ng ilang taon bro, aayusin ko lang ang sarili ko," naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya saka gumanti ng yakap. "Dalian mo, maiinip

