CELES' POVS Hihikab hikab akong umupo sa pwesto ko sa classroom namin pagkapasok ko. Maaga pa, wala pa si bakla pero nandito na si Kide. "Good morning," bati niya pagkatapos lumapit sa akin. Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko. "Good morning," bati ko din. "Legit ba na magkakaroon ulit tayo ng trip this year?" "Yun ang sabi sabi," pumangalumbaba siya. "Excited ka?" "Nako hindi, naalala ko, nung last na nagkatrip tayo nagloko ka eh," inikot ko ang itim ng akin mata. Kumunot ang noo ni Kide saka bahagyang napailing. "Baby, hindi na yun mauulit," sabi niya. Sa katunayan ay nagjojoke lang talaga ako. Alam kong hindi na niya iyon gagawin, may tiwala ako sa kanya. "Nako, dapat lang Kide dahil wala ka ng babalikan pag nagloko ka pa," paalala ko. Tumango tango siya na tila maamong tupa.

