LAUREN'S POVS Halos magising ang diwa ko ng marinig ko ang tono ng pananalita ni Celes. Kilala ko ang kaibigan ko, alam ko kung galit siya o hindi at base sa tono ng pagsagot niya kanina bago niya patayin ang tawag ay galit siya. "Bakit mo sinagot? Sana binigay mo na lang sa akin agad." May pagkairita kong sabi kay Jade Joshua. Halata ko sa mukha niya ang pagkagulat, siguro ay may amats pa siya at hindi pa gaanong aware sa ginagawa. Hindi siya sumagot kaya napabuntong hininga na lang ako. Pinat ko ang ulo niya't tumayo na sa pagkakahiga. "Uuwi na ako, matulog ka na," tugon ko saka ako dirediretso sa paglabas ng kwarto niya. Napailing ako bago ako tuluyang umalis ng apartment unit. We almost did it. Alam kong gusto niyang may mangyari at kinontrol nya lang ito ng maramdaman na ayoko.

