JADE'S POVS Naisipan kong maglinis ng apartment unit ko. Hindi na siya babalik, wala ng dahilan para panatilihin ko sa akin ang mga gamit niya na alam kong kailangan niya. Marahan kong kinahon ang mga gamit niya. Isa isa ko itong pinakatitigan muna bago ilagay sa kahon. Bawat bitaw ko sa gamit niya ay nasasaktan ako. Alam ko kasing kahit sabihin kong ok na akong wala na kami, na tanggap ko na, hindi ko pa din maiwasang hindi masaktan dahil mahal na mahal ko siya. At dahil din sa pagmamahal na iyon, papalayain ko na talaga siya ng tuluyan. Wala eh, kasalanan ko din naman. Dinobol tsek ko muna ang lahat ng gamit niya saka bumuntong hininga. "Tapos na talaga ang lahat." Mapait akong napangiti. Yung relasyon naming nabuo, wala na. Naglaho na dahil sa kag*guhang pinagsisisihan ko. Pero k

