LAUREN'S POVS "Oh, bat lungkot na lungkot ka na naman diyan baks?" Tanong sa akin ni Celes na nakapangalumbaba sa desk sa loob ng classroom. Kakatapos lang ng break time namin at inaantay na lang namin ang susunod na professor para sa susunod na subject. "Namimiss ko na si Fizz, ang dalas na kasi niyang busy sa opisina nila," kumento ko. "Umalis kasi ang papa niya at sa kanya muna iniwan ang kumpanya nila." "Nako baks, kulang ka lang sa dilig," pangangantyaw pa niya saka nagtusok ng straw sa pwetan ng kanyang juice. "Nasabi ko na ba sayong wala pa saming nangyayari?" Sabi ko na halos magpabuga sa kanya ng iniinom niyang juice. "Seryoso ka bakla? Feeling virgin ka naman sa part na yan," sabi niya. "Ang bagal nyo naman. Usad usad din, aba!" "Seryoso nga," bumuntong hininga ako. "Gusto

