LAUREN'S POVS Pauwi na kami ng Maynila pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din masyadong pinapansin si Fizz. Naiinis kasi ako sa kanya. Hindi sa pinag-iisipan ko siya ng masama pero bakit kailangan niyang lumabas ng kwarto namin kagabi at makipagkwentuhan sa ex niya. Napabuntong hininga ako matapos kong maalala ang tinginan nila. Hindi ako masyadong lumapit sa kanila nun pero nakakainis na pumuslit pa talaga siya para lang makausap ang ex niya. Nag-alala pa naman ako nung nagising ako na wala siya sa tabi ko. "Ok na ba lahat ng gamit nyo?" Tanong ng mama ni Fizz sa amin. Marahan akong tumango. "Yes ma, dalaw na lang po kami ulit," tugon naman ni Fizz saka yumakap sa mama niya. "Sa susunod, doon na kayo sa bahay natin," kumento pa ng mama niya saka sila nagbitaw at tumingin sa akin. "

