LAUREN'S POVS Eksakto pagkalabas ko ng pintuan ng apartment unit namin ay napaupo ako sa harap mismo ng pintuang kakasarado ko lang. Ang bigat sa damdamin na sinasaktan ko ang taong mahal ko pero alam kong ito ang nararapat para sa amin. Kailangan namin ng space para malaman namin ang totoong papel namin sa isa't isa. Kung dapat pa ba kaming magstay sa isa't isa o hindi na. Dahi sa side ko, ang sakit sakit pa din ng ginawa niya sa akin. "Ok ka lang?" Napatingin ako sa lalaking huminto sa harapan ko. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Nakapolo din siyang itim na tila aattend ng party. "I'm fine," agad akong napatayo at nag-ayos ng sarili na tila walang nangyari. Sa dami dami naman ng dadaan, bat itong lalaking ito pa. "Ok lang maging hindi ok kesa nagsisinungaling ka," kum

