LAUREN'S POVS Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Magkahalong kaba't saya ang sabay kong nararamdaman habang nakatingin ako sa lalaking may kausap sa kanyang telepuno. Nasa harap kami ng isang malaking bahay ni Fizz. Nakatayo lang ako sa gilid ng kongkretong pader habang palinga linga naman siya. Nandito na kami sa Cebu. Naging mahaba ang byahe namin kanina pero naging maayos naman ito. Sobra akong naging komportable sa braso ni Fizz kanina kaya agad akong nakaidlip at paggising ko, nandito na kami sa Cebu. "Palabas na daw si Mako," sabi niya matapos saking lumapit at maibaba ang telepuno. "Mayaman pala talaga sila Mako no," kumento ko. Bahagya siyang tumawa. "Sakto lang," tugon niya. Agad ko siyang tinaasan ng isang kilay. Nakakainis talaga silang sumagot, paanong sakto lang

