LAUREN'S POVS Eksakto pagkadating namin sa bilihan ng mga costume ay agad sa aming sinabi ng may-ari na tumawag na daw sa kanya si Fizz kaya maaari na kaming pumili ng mga costume na gusto namin. "Stick tayo sa maid café," sabi ni Celes. Napabuntong hininga si Kide na tila kinakabahan sa sinabi ni Celes. "Pero dahil may budget naman na, butler na ang mga lalaki." Natawa ako dahil biglang napangiti si Kide sa sinabi ni Celes. Nagbigay na ng konsiderasyon si Celes, naawa na siya kay Kide na takot magbihis ng costume ng maid. Dinala kami ng may-ari ng shop sa banda kung nasaan ang iba't ibang kulay at uri ng mga maid costume. "Ano bet mo sa dalawa?" Tanong sa akin ni Celes habang hawak ang dalawang klase ng itim na maid costume. Maigi kong tinignan ang dalawa niyang hawak. Maganda pareh

