LAUREN'S POVS Napagdesisyunan kong layuan muna si Fizz para makasigurado ako sa nararamdaman ko. "Kuya, tumatawag si Fizz," kumento ni Eyli na nakadapa sa kama't nagsecellphone. Nandito kami sa kwarto. Nakaupo ako sa papag habang ginagaya ang pinapanood ko sa YouTube na pag-gagantsilyo sa tablet ni mama. Ano kayang kailangan niya? "Sagutin mo na, pakitanong na din kung bakit siya tumatawag," tugon ko habang patuloy na nag-gagantsilyo. Nakafocus ako sa ginagawa ko para maalis ang bored ko. "Hello Fizz, bakit daw? Oo, nandito siya. Nakaupo malapit sa akin, nag-gagantsilyo siya." Napatingin ako kay Eyli saglit matapos kong mapansin na binaba na niyang muli ang cellphone ko. "Pinapatanong lang niya kung may naiisip ka daw bang plano, kasi magiging busy daw siya this week baka daw di ka

