Earl's POV Sinalinan ko pa ng alak ang baso ko tsaka uminom ulit. Napaisip ako ulit sa mga nangyari kanina. Kapal talaga ng mukha ng Xiel na 'yun para suntukin ang napaka-gwapo kong pagmumukha. Kainis. Tskk. Uminom pa ulit ako. Kanina ko pa hinihintay si Angelina dito sa cottage na katapat ng kwarto kung saan sila mamamalagi pero wala pa din at gumagabi na. Saan na ba nagsuot 'yun? Okay lang kaya siya? "Hey there Earl." paglingon ko sa gilid ko, nakatabi na pala sakin si Princess pero di ko lang namalayan kakaisip ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Sasamahan ka? Eh ikaw ba, ano pang ginagawa mo dito?? Oh wait, let me guess. You're waiting for her aren't you?" Hindi na ako nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa dagat. "I saw her with him. Masaya silang magkasama kaya..

