Nanatili lang kami sa ilalim ng puno ng isang oras at nagku-kwentuhan lang, siya naman nakaunan sa lap ko at hinihimas ko naman ang buhok niya. "Tara na kaya Sungit?" sabi ko naman,parang ginugutom na kasi ako e! Tinignan ko naman siyang dinilat ang mata niya at tinignan lang ako habang nakangiti. Agad naman ng sinuntok ko ang tiyan ng mahina. "Tara na sabi, matunaw pa ako sa titig mo!" natatawa ko pang sabi at pinatayo na siya. Pinagpag ko naman ang shorts ko at tumayo na ng maayos. Inalalayan na naman niya akong makasakay sa kabayo at sumunod naman siya. "Hold on honey..." bulong niya sa tinga ko at napatagilid naman ang ulo ko. "Wag ka ngang bumulong,!" sabi ko sabay hampas sa lap niya. Tumawa lang ang baliw. Bigla niya naman pinatakbo ng mabilis ang kabayo. Pinagalitan ko naman siy

