Madaling araw na at gising na gising pa ako. Ngayon lang kasi natapos ang kasiyahan dito sa bahay. Ayon pati may bahay puyat na puyat. Ako naman nakapikit ako habang paakyat ng hagdan. Antok na talaga ako! Third Person's POV Dahil sa pagod na pagod na si Ryana ay nakapikit siya habang paakyat sa hagdanan. Hindi siya nakatulog dahil panay pa ang vedioke ng mga bisita at panay chikahan dito, chikahan doon. Hindi na napansin ni Ryana na maling kwarto ang napasokan niya. Sa kabilang banda naman, mahimbing na natutulog si Bryan sa kanyang kama. Nagulantang na lang siya na may biglang tumabi sa kanya. At pabagsak pa iyon at natulog. Pagkadilat ng mata niya ay nagulat siya pero agad din na napalitan ng ngiti. Si Ryana naman ay mahimbing na natutulog sa kama ni Bryan. Dahil sa antok na antok

