Umupo naman siya sa couch at sumunod lang ako. "walanghiya ka talaga!" sabi ko at sinapak ko siya sa balikat niya. "Hey! Nagiging brutal kana," sabi niya pa sabay himas niya sa balikat niya. "OA naman nito!" at inirapan ko naman siya. Naalala ko na tinawagan pala ako ni Regie kanina yung fiesta, malapit na kasi. "MA! TINAWAGAN KA PO NI TITA JES?" sigaw na sabi ko kay mama. Si tita jes kapatid ni mama tapos anak niya ang monggoloid kong pinsan na si Regie Mae. "Oo,bakit?" balik na tanong naman niya. "Pupunta ka?" tanong ko din naman. "Syempre dapat lang.." sagot naman niya. Nakita ko naman si mama na papunta sa amin. "Bryan, gusto din sana kitang isama samin sa probinsya, pero baka busy ka.." sabi naman ni mama. Tumingin naman ako kay Sungit at inirapan lang siya. "ahm, tignan ko lan

