THISA IRENE “Love, magstay na lang kaya tayo sa hotel room natin?” tanong sa akin ng asawa ko. “Bakit naman?” tanong ko sa kanya. “Dahil ako ang nahihirapan sa ‘yo eh.” “Bakit naman? Bakit ka naman nahihirapan?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. “Dahil sa lakad mo. Paika-ika ka kasi–” “At sa tingin mo sino ang may kagustuhan nito? Ako ba? Sino ba ang dahilan kaya ako ganito?” mataray na tanong ko sa kanya. “Alam ko na kasalanan ko po, pero puwede naman na magstay tayong dalawa sa hotel room natin para hindi ka mahirapan sa paglalakad,” sabi niya sa akin. “Ayaw ko, mas delikado nga ako doon kaysa dito sa labas. Mas safe ako dito sa labas kaysa sa hotel room natin. Don’t worry dahil kaya ko ang sarili ko. Kung naiinip ka na sa akin ay puwede ka naman bumalik na doon. Dahil ako

