THISA IRENE “YOU?!” hindi makapaniwala na sambit ko ng tanggalin ng lalaking racer ang helmet niya. “Hi, love.” nakangiti na sabi niya kaya alam ko na nagulat ang lahat ng mga tao sa paligid sa pagtawag niya sa akin na love. “Anong sinasabi mo? Siraulo ka!” naiinis na sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. “Is he your boyfriend?” tanong sa akin ng isa sa mga kasama namin. “No,” mabilis na sagot ko. Dahil hindi naman talaga. “But we heard that he called you lo–” “He's my brother not by blood but his mom is mama. Love is just an endearment, nothing special,” nagpaliwanag pa ako kahit hindi naman kailangan. Nang tumingin ako kay Raleigh ay malamig ang ekspresyon ng mga mata niya. Alam kung napahiya siya pero hindi ko naman talaga siya boyfriend kaya bakit ko sasabihin na bo

