CHAPTER 7

1450 Words
THISA IRENE Hindi ko pinapansin si Kuya Raleigh. Siya ang kasabay ko ngayon papunta sa school. Pero ang kulit niya. Panay siya tanong kaya naiingayan na ako sa kanya. Hindi na siya tumitigil sa kakatanong sa akin. “Nagustuhan mo na ang mochi?” tanong niya sa akin. “Hindi,” mabilis na sagot ko sa kanya. “Talaga?” tanong niya sa akin. “It’s not masarap,” pagsisinungaling ko. “Hindi masarap? Talaga?” tanong niya sa akin. “Oo nga, hindi nga!” “Sayang naman itong dala ko ngayon. Hindi naman pala masarap,” sabi niya ay may inilabas siya sa bag niya. “I’m not patay gutom,” sabi ko sa kanya. “Bakit may sinabi ba ako na patay gutom ka. Sinabi ko lang na bibigyan pa sana kita ulit pero dahil ayaw mo naman ay ibibigay ko na lang sa iba,” sabi niya sa akin. “Edi ibigay mo, ibigay mo sa crush mo. Ibigay mo kay Johana,” naiinis na sabi ko sa kanya. “Eh bakit ka galit?” tanong niya sa akin. “Hindi pa tayo bati, kaya bakit mo ako kinakausap?” mataray na tanong ko sa kanya. “Sumasagot ka rin naman,” sabi pa niya sa akin. Hindi mo na lang siya pinansin at tumingin na lang ako sa may labas ng bintana. Nang makarating na kami sa school ay nauna na ulit akong bumaba sa kanya. Nakasaklay pa rin siya pero binuhat niya ang bag ko. “Ako na,” sabi ko sa kanya. “Ako na, ihahatid na kita sa room mo,” sabi niya sa akin. “Bahala ka,” sabi ko sa kanya. “Grabe ka naman, Thisa. Hindi ka ba naawa kay Raydam?” tanong ng ibang students sa akin. “Kaya nga, alam mo na nga na pilay. Pinag-bubuhat mo pa ng bag–” “Guys, ‘wag kayong ganyan kay Thisa. She’s my sister and besides, hindi naman mabigat ang bag niya,” nakangiti na sabi ni kuya. “Tulungan ka na lang nami–” “No, kaya ko na ito.” sabi ni kuya para pigilan sila. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Nang tumingin siya sa akin ay naglakad na lang ulit ako at umiwas na ako ng tingin sa kanya. Ayaw ko kasing maawa sa kanya. Alam ko naman na ginagawa niya ito dahil gusto niya na mapatawad ko siya. Pero hindi pa kami bati na dalawa kaya bahala na muna siya. “Thank you, kuya.” labas sa ilong na pasasalamat ko sa kanya ng nakarating na kami sa room ko. “Pupunta ako mamayang lunch dito. Sabay na tayo,” sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Bahala siya kung gusto niya. Kakaupo ko pa lang sa upuan ko ay lumapit na agad sa akin ang mga classmates ko na may crush kay kuya Raleigh. Ang babata pa pero ang lalandi na nila. Samantala ako itong ayaw ng nakakasama ang lalaking ‘yon. Kung alam lang talaga nila ang tunay na ugali ni Raleigh ay baka hindi na nila ito magiging crush. Alam ko naman na sikat ito lalo na anak siya ni Papa Gov. Sikat na sikat kasi ang mga Dela Vega dito sa amin. Kaya nga sikat na rin ako dahil lagi nila akong kasama. Ako kasi ang ampon nila na sobrang cute. Businessman ang daddy ko pero lowkey profile lang naman siya. Hindi tulad ni papa gov na kahit marami na siyang anak ay habulin pa rin ng mga babae. Kaya feeling ko nagmana sa kanya ang mga anak niya. Ang kuya kong kambal, si Oliver at Finn lahat sila ay gwapo talaga. Manang-mana kay papa gov ang mukha nila. Kaya siguro naging ex-husband siya ni mommy. At sobrang ganda rin ng ate ko. Maganda rin naman ako dahil gwapo rin naman ang daddy ko. Sa totoo lang ay blessed kami sa family na mayroon kami. Hindi lang ako blessed kay Kuya Raleigh dahil feeling ko siya ang malas sa buhay ko. Nang sumapit na ang recess namin ay binuksan ko na ang lunch box ko para kainin ang baon ko at nagulat ako dahil nasa bag ko na ang mochi kanina. Nagtataka nga ako pero nilagay niya sa bag ko. Napangiti na lang ako dahil hindi rin talaga niya ako natiis. “Wow, mochi!” nakangiti na sabi ng friend. “You want?” tanong ko sa kanya at tumango naman agad siya. Kaya naman binigyan ko siya ng isa lang. Hindi ko muna inubos lahat dahil kakainin ko pa ulit mamaya. Six pieces ito kaya naman dalawa na lang muna ang kinain ko at may tatlo pa na tira. After ng recess namin ay naglecture na ulit ang teacher namin. ******* Nang sumapit na ang lunch time ay pumunta nga talaga si kuya dito sa room namin. “Okay lang ba na dito ako kumain?” tanong niya sa mga classmates ko. “Sure, kuya.” sagot ng mga ito. “Kain ka na,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Kuya, bakit ka dito kumain?” tanong ng isa kong classmate. “Kasi hindi pa ako pinapatawad ni Thisa. May kasalanan kasi ako sa kanya,” sagot niya na hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung bakit ba niya sinabi sa kanila na may kasalanan siya sa akin. Dapat kasi hindi niya sinasabi sa kanila. “Thisa, patawarin mo na siya.” sabi ng mga ito kaya naiinis na naman ako. “Naku, mahirap talaga suyuin ang kapatid ko.” “Pero hindi mo naman siya kapatid, kuya–” “Ampon namin siya,” nakangiti na sagot na naman niya. “Puwede niyo rin ba kaming ampunin?” “Kailangan niyo pa ba ng ibang kapatid?” “Kami willing kami magpa-ampon,” sabi pa nila. “Naku, marami na ang mga kapatid ko.” natatawa na sagot niya sa mga classmates ko. “Kain ka pa,” sabi niya at nilagyan ng pagkain ang baonan ko. “Ang sweet mo naman pong kuya. Sana all may Kuya Raleigh,” sabi ng mga ito. Gusto kong tarayan si kuya pero hindi ko na lang ginawa. Dahil nga nasa harap ako ng mga classmates ko. “Thisa, patawarin mo na si kuya.” sabi ng bff ko. “Ayaw ko nga,” sabi ko. “Bakit naman? Ano ba kasalanan niya sa ‘yo?” tanong nila sa akin. “Huwag niyo ng itanong pa. Okay lang kami, matampuhin lang talaga siya.” sabi ni kuya at tumayo na siya. Lumabas na siya sa classroom namin. Ang mga classmate ko ay sinundan pa siya pagkatapos ay bumalik na naman sila sa akin at kung ano-ano na naman ang sinasabi nila. Ako na lang itong naiinis sa kanila. Lagot talaga siya sa akin mamaya. Gumawa pa siya ng eksena dito sa classroom ko. ***** After ng class ay bumiyahe na kami pauwi pero itong si kuya ay may dadaanan pa raw kami. At hindi ko inaasahan na dadaan pa kami sa may grocery store. Ang dami niyang binili na pagkain. Hindi naman ako nagtanong dahil nga kakatapos ko lang magalit sa kanya. Hindi ko rin naman iniisip na para sa akin ang mga ‘yon. Baka kasi bigla niyang naisip na bilhan ang mga kapatid niya. Pero habang pauwi kami ay bigla na lang tumigil ang kotse sa may lugar kung nasaan ang noong nakaraan. “Tara na,” sabi niya sa akin. “Aakyat ka sa taas na pilay ka?” tanong ko sa kanya. “Umakyat nga ako sa balcony niyo na mas mataas pa ‘yon,” sagot niya sa akin. “Eh bakit kasi wala itong stairs?” “Hindi pa kasi tapos,” sagot niya sa akin. “What?! Ayaw ko, baka mahulog ako. Baka masira kapag umakyat ako d’yan,” sabi ko sa kanya. “Bakit mabigat ka ba?” nakangisi na tanong niya sa akin pero sinamaan ko siya ng tingin. “Don’t worry, pinagawa ko ito para sa ‘yo. Kaya sure ako na matibay. Kulang pa ng hagdan pero papalagyan ko ito,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya ako binuhat. “K–Kuya,” kinakabahan na sabi ko. “Gumaan ka yata ngayon? Nagdadiet ka na ba?” nakangiti na tanong niya sa akin pero alam ko naman na inaasar lang niya ako. Hindi ko na lang siya pinatulan dahil naaawa rin naman ako sa kanya. Lalo na alam ko na heavy naman talaga ako tapos pilay pa siya. Pero ginusto naman niya ito kaya bahala siya. Nang makaakyat na ako ay hindi ko inaasahan ang loob nitong tree house niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD