THISA IRENE “Ang ganda mo, bagay na bagay sa ‘yo. Mabuti na lang at kasya sa ‘yo,” sabi sa akin ni Tita Sunny. “Parang sinukat po sa akin,” pabiro na sabi ko sa kanya. Dahil tama naman siya sa sinabi niya na kasya talaga sa akin. “Kaya nga, hindi ko inaasahan na magaling pala si Celine sa mga sizes,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Si Ate Celine po?” “Yes, siya nga. Ang galing niya kaya, hindi ko inaasahan na mahuhulaan niya ang mga sizes mo.” “Po?” “Nang malaman kasi namin na nagsisimula ka ng maging model ay ikaw agad ang naisip ko. Para sa akin ay isa ka sa mga perfect na maging model. Ang totoo niyan ay kumuha rin ako ng mga makakasama mo para talagang mukhang wedding ang concept natin. Inalok ko ang mga pamangkin ko pero ayaw naman nila, ang sabi kasi nila ay mas bagay raw sa

