RALEIGH RAYDAM DELA VEGA (FROM THE BEGINNING) “Mga anak, aalis muna ako. Dito na lang kayo sa daddy niyo ha, behave kayo at ‘wag na ‘wag mag-papasaway. Lalo ka na Adler,” narinig ko na sabi sa amin ni mommy. “Saan ka po pupunta, mom?” tanong ng kakambal ko na si Adler. “Pupunta lang ako sa Tita Katherine niyo. Nanganak na kasi siya,” nakangiti na sabi ni mommy. “Puwede po ba akong sumama, mom?” tanong ko kay mommy. “Of course, baby.” nakangiti na sagot ni mommy kaya naman sumama ako sa kanya na pumunta sa bahay nila tita Katherine. Kaming dalawa lang ni mommy ang umalis. Buntis rin si mommy pero dahil magkaibigan sila ni Tita Katherine ay talaga namang dadaawin niya ito. Five years na kami ni Adler at malapit na kaming mag-six years old kaya hindi na kami binubuhat ni mommy at dadd

