THISA IRENE “Are you nervous?” tanong niya sa akin. “Ano sa tingin mo?” tanong ko sa kanya. “Bakit naman?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. “Hindi pa kasi ako ready, higit sa lahat ay nasa kabila lang ang pamangkin natin kaya umayos ka. Pumayag ka rin na itago ang kung ano man ang mayroon tayong dalawa kaya dapat lang na itigil mo ang binabalak mo ngayon,” sabi ko sa kanya. “Okay cancel na lang muna sa ngayon. Saka na lang kapag wala na dito si Viel,” sabi niya sa akin. Nakahinga naman ako ng maayos sa narinig ko mula sa kanya. Mabuti na lang talaga at na pakiusapan ko siya dahil kung hindi ay baka wala na ang vcard ko. Inaamin ko na sa kanya ko lang naman talaga gustong ibigay ang sarili ko kahit pa noon. Nagbago lang noong nasaktan ako pero ngayon ay alam ko na

