THISA IRENE “Huwag mong pansinin ang sinabi niya. Hindi ‘yan totoo,” sabi niya sa akin. “Wala naman akong pakialam. Hindi rin naman ako naiinis kasi ang totoo ay hungry na ako,” sabi ko sa kanya na naging dahilan para bigla na lang tumawa ng malakas si Kuya Adler. “Ginugutom mo naman ang baby mo, Raleigh,” sabi pa niya sa kakambal niya. “Tsk! Tumigil ka d’yan!” “Baby Thisa, are you hungry na ba? Where do you want to eat?” natatawa na tanong ni kuya Adler sa akin. “Inaasar pa,” sabi sa kanya ni kuya. “Nagtatanong lang ako. Ikaw nga itong laging nag-aasar sa kanya–” “Tumigil ka na nga, kuya. Ang ingay mo talaga, sa susunod hindi na ako sasama sa inyo,” biglang sabi ni Ate Alliyah kaya na tahimik na naman si kuya Adler. Hindi talaga umuubra ang pagiging maingay ni kuya kapag ang dal

