THISA IRENE 1000 over 10 ang rating sa pagiging supportive ng asawa ko. Dahil sa unang project na nakuha ko ay kailangan kong umuwi sa amin dahil doon ang photoshoot namin at filming ng commercial. Siya pa mismo ang maghahatid sa akin. Pero dahil sa ayaw ko na makita niya ako habang nagtatrabaho ay hindi ako nagpasama sa kanya sa racing track. Dito kasi ang location namin dahil nga ang bagong racing car ng RRDLV ang imo-model ko. Like what? Super ganda nito at gusto ko rin bumili. Super ganda na para bang ayaw ko ng alisin ang mga mata ko. Pink and black ang color niya. Sobrang cool at ang smooth lang rin dahil nag-test drive pa ako bago kami magsimula. Ang nakakaloka pa ay talagang may Thisa Irene pa ito dahil nga ako ang model. Sana na nga ibigay na lang ito sa akin ng may-ari. Kahit

