THISA IRENE Pose ng ganito, pose ng ganyan. Sa bawat pitik ng camera ay gina-gandahan ko talaga ang pose ko. Gusto ko na maging maganda ang outcome nitong photoshoot namin. Sobrang supportive nitong dalawang ito dahil pumunta pa talaga kami sa racing track para lang mag-pictorial. Na miss ko ang lugar na ito. Noon kasi ay nanonood lang ako kapag may race si mama at ang kambal. Ngayon ay ako naman. “Oh my G! Super pretty mo po, ate!” kinikilig pa na puri sa akin ni Blythe. “Sooo cool mo, tita. Look oh, my gosh! Bagay na bagay sa ‘yo maging racer model, ang astig mo,” sabi ni Viel. “Wehhh? Baka sinasabi niyo lang ‘yan dahil–” “We’re not bias dahil sa family tayo. Pero ang ganda po talaga, effortless na ang kagandahan mo,” sabi sa akin ng pamangkin ko. “Sa tingin niyo ay may kukuha sa a

