THISA IRENE “Ang totoo ay wala naman talagang iba. Kasi masyado mo akong sinaktan mo kaya wala na akong balak na makipagrelasyon sa iba,” nakayuko na sabi ko sa kanya. “Alam ko,” sabi niya kaya tumingin ako sa kanya. “Alam mo?” nakakunot ang noo na tanong ko “Opo, alam ko. Dahil nakabantay ako sa ‘yo. Kaya alam ko na walang iba. Kaya hindi mo ako maloloko na may iba sa buhay mo,” nakangisi na sabi niya. “Nakakainis ka talaga!” “Nakakainis ka rin dahil bakit kayo nag-uusap ni Ken? Tapos kung ano-ano pa ang message niya sa ‘yo.” “He’s my friend,” sabi ko sa kanya. “Bakit may i miss you? Miss ka niya? Sure ako ba may gusto siya sa ‘yo,” tanong niya sa akin na para bang bata siya. “Ganun lang talaga siya sa akin kasi binibiro niya ako dahil hindi pa ako umuwi. Masyado ka lang talaga d

