THISA IRENE Wala akong balak na bumangon para pagbuksan ito pero sunod-sunod ito. Hindi ko pa rin binuksan hanggang sa nagulat ako dahil bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok si kuya, I mean ang asawa ko. “Love,” unang salita na lumabas sa bibig niya. “Why are you here?” tanong ko sa kanya at bumangon na ako para umupo. “I’m sorry, love.” sabi niya sa akin at mabilis siyang lumapit sa akin at lumuhod siya sa harapan ko kaya mabilis ko siyang dinaluhan. “Bakit ka ba ganyan? Bakit?!” sigaw ko sa kanya pero niyakap niya lang ako. “Kasi mahal kita, mahal na mahal kita.” sagot niya sa akin. “Dahil sa mahal mo ako kaya okay lang sa ‘yo na maging masama ka sa mga mata ko?” tanong ko sa kanya. “Dahil kasalanan ko. Ako ang–” Hindi ko na siya hinayaan na tapusin pa niya ang sasabihi

