THISA IRENE “Nararamdaman mo ba?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “P*rvert!” sigaw ko sa kanya. “Ang sexy mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ka pagnasa–” Tinakpan ko ang bibig niya dahil kung anu-ano na naman ang lumabas sa bibig niya. Ang bastos niya talaga and tama siya may nararamdaman nga ako na dapat ay hindi ko naramdaman. Itong lalaking ito kahit na pilay ay marami talagang kalokohan. “Bago mo ako hinaharot dapat siguraduhin mo na hindi ka na pilay, ang landi nito.” sabi ko sa kanya at umalis na ako sa kandungan niya. “Kaya kitang landiin kahit pa pilay ako,” sabi niya sa akin. “Ewan ko sa ‘yo. Kung saan naman tumanda ka ay doon ka naman naging bastos,” sabi ko sa kanya at iniwan ko na siya. Pero kahit na malayo na ako sa kanya ay narinig ko pa rin siya

