Chapter 1: Blaise’s introduction
BLAISE A. MONTAGUA’S POV
I WOKE up with a gently shaking on my shoulder. My sleep was mababaw lang that’s why I woke up right away. Kahit siguro ingay ay maririnig ko rin.
“Oh, Mommy?” My mother sat on my bed and immediately greeted me with her sweet smile. She touched my cheek and caressed it. She’s beautiful and her hand is so warm. I like the way she did that.
“Get up, baby girl. Today is your first day in college, right?” I nodded with my Mom’s question. Oh, that... exciting moment na mahal ko ng hinihintay.
Today is my first day in school as a first year college. I am still excited for this day. Halos wala nga akong tulog last night sa naisip ko na magiging life ko being a college student. I got up and even hugged my mom. I felt her kiss on my head. Gusto ko palagi ang maglambing sa Mommy ko.
“Good morning, Mommy,” I greeted her and kissed her cheek. I heard her chuckles softly. Because I hugged her and parang wala nga akong plans na bumangon para mag-ready na pumasok sa school namin.
“Come on, baby. Get up already,” she said and I nodded. She kiss my forehead once again.
My Mom wasn’t satisfied and she already pulled my hand, so I finally out of bed. Ayayay, I want to cuddle with her all the time.
“Take your time, baby girl. You still have a lot of time. Get down right away, will ’ya?” she said and I nodded.
“Okay po, Mommy,” I answered before siya lumabas sa room ko.
Pinasadahan ng mga daliri ko ang buhok kong may pagkakulot ang dulo nito. Umabot ito hanggang baywang ko pero pretty naman siyang tingnan. Kasi natural naman, eh.
Binuksan ko ang door ng bathroom ko and went inside. Malaki ito because I have my own swimming pool on the left side and a bathtub naman sa right side. Pink and light color of its structure. Tho this is just a simple bathroom of mine.
I took my pajamas off and folded it first then put it in my basket. Hinubad ko na rin ang underwear ko at tumapat sa malamig na shower. Binuksan ko ito. The cold water was pouring down my naked body. I got my body wash and my shampoo too. I didn’t take my shower long either dahil binilisan ko lang ang mga kilos ko. I don’t want to be late naman.
Kinuha ko ang puting tuwalya ko sa pinaglalagyan nito and wrapped it all over my body. My walk-in closet connects to my bathroom so I go straight there. Seeing my uniform is finally ready made me smile. I know my Mom prepared this for me too. She’s so sweet as ever. That’s why I love her, so much.
The skirt is dark blue and the blouse is white with a necktie on the top. May coat din ako. I put that on and wrapped the towel in my hair.
Umupo ako sa vanity mirror ko at kinuha ko ang hair blower then pinatuyo ko na ang buhok ko. Nilagyan ko lang ito ng maliit na pink hairpin.
Since college student na nga ako ay nag-apply pa ako ng light make up and my pink lipstick. Kinuha ko na rin ang brown shoulder bag ko na may branch na signature. Si Mommy ang nagturo sa akin how to put my make-up on my face.
Bumaba na rin ako kasi alam ko na nandoon na sa dining area namin ang parents ko and my two elder brothers, and hindi na nga ako nagkamali pa. Kompleto na sila roon and it seems they are waiting for me. Hindi naman sila nababagot dahil sanay na sila sa akin.
Sumimsim ng coffee si Kuya Blaike nang mapatingin siya sa gawi ko. Pinanliitan pa niya ako ng tingin. Pinasadahan niya ang suot kong uniform.
“Blaise? Bakit ang ikli naman ng uniform mo?” seryosong tanong nito sa akin. As expected ay pupunahin talaga nila.
Kuya Blaike, 30 years old na siya and engaged na rin sa long-time girlfriend niya na si Ate Gleyse. A business management graduate with his Latin honor at same university lang kaming tatlo. He finished his Master of Business Administration in USA. Kuya owned his Montagua Hardware and Construction Supply Company. It was almost 9 years nang ipinatayo niya ito and of course, ang Daddy namin ang naging first investor niya. His first supporter sa pinili niyang business niya.
“Agree to that, Kuya. Look at her blouse. What was that, Blaise? A crop top uniform?” tanong naman ni Kuya Blaize at itinuro pa niya ang suot ko.
Napatingin naman ako rito. This is because of my booby kaya umaangat pataas ang dulo nito at maliit lang kung tingnan. But comfortable naman na ako, eh.
Kuya Blaize, siya naman ang owner ng Montagua Rice Mill Company at may sarili rin siyang farm somewhere in the Province of Sta. Maria. 26 years old and he’s still single. Siya yata ang kuya ko na focus muna siya sa work niya at sa company niya.
See? May iba’t ibang business talaga ang mga kuya ko. Ang Mommy ko naman ay ang Anderson Home Shopping Mall ang pinapamahalaan niya, na namana pa niya from her parents. Na ngayon ay nasa Australia na nag-stay for good. Isa ring foundress ang aking ina sa isang malaking bahay-ampunan, mapabata man, matanda, solo parents and single-mother ay siyang kinukupkop nila.
Madalas kaming pumupunta roon at nagdo-donate rin ako ng mga things ko, iyong hindi ko na gaano nagagamit.
Si Daddy naman ay president ng Montagua Real Estate Company at gusto niya na ako ang maging heiress niya dahil mas pinili ng mga kuya ko ang ibang business pero hindi naman sila naging hadlang ni Mommy.
Dahil kung ano raw ang gusto namin ay malaya kaming pipili at hindi sila magiging strict sa amin. May isang scholarship program naman si Dad at tumutulong din siya sa mga kabataan na hindi na kayang pag-aralin pa ng kanilang mga magulang. Iyong mga kapus-palad.
Aside from that, may ipinatayo rin naman na mga hospital sina Kuya sa malayong probinsya. Pinagtulungan nilang ipinatayo iyon.
Kilala kami na may 5K’s; Kapangyarihan, kayamanan, kasikatan, kabutihan at karangalan. Ang limang K na ito ay mas kinilala kami ng mga tao. Sa kabila raw ng pagiging mayaman namin ay hindi namin nakalimutan ang realidad na maraming tao ang nangangailangan ng tulong kaya mas lalong umuunlad at lumalago ang aming negosyo dahil sa pagtulong namin sa kapwa.
Likas na may kabutihang loob na ang aking pamilya kaya talagang tumutulong sila sa mga mahihirap. Isa ako sa taong proud na proud sa kanila.
However, I chose a different path. Gusto ko namang magkaroon ng isang restaurant at ang naisip ko naman ay isang Feeding Program. So, HRM ang pinili kong kurso sa kolehiyo. Sinuportahan naman nila ako dahil maganda raw ang naisip kong program at puwede rin naman daw akong magpatayo ng sarili kong hotel. I don’t think so.
“Good morning po,” I just greeted them and kiss their cheek but of course hindi nawala ang pagkakunot-noo nina Kuya Blaike Kuya Blaize. “Ganito na po talaga siya, eh. Kasya naman sa akin because it’s comfortable,” I said at inilipat sa akin ni Mommy ang milk na palagi niyang hinahanda para sa akin.
Hindi ako umiinom ng coffee dahil sumasakit ang stomach ko at saka hindi raw iyon healthy sa akin, sabi raw iyon ng family physicians namin.
“What’s wrong with her uniform? Maganda naman at bagay sa kapatid ninyo, sons,” ani Dad na matamis kong nginitian.
Malaki ang aming dining room, ten chairs from side to side at may nag-iisa ring upuan kung saan si Daddy lang ang puwedeng umupo dahil padre de pamilya siya. Kami ang magkatabing nakaupo ni Mommy tapos sina kuya naman sa kabila.
“Dad, you’ve got to kidding us po. Look at her, sobrang ikli talaga nito sa kanya,” giit pa ni Kuya Blaize.
“Hindi ba iyan bawal sa university ninyo, Blaise? Hindi ka ba mabobosohan sa suot mo?” tanong pa ni Kuya Blaike. I shrugged my shoulder. Hindi naman siguro.
“It’s my first day of school po, Kuyas. So, hindi ko rin po knows, eh,” sagot ko na pareho nilang ikinabuntong-hininga. Problematic, hehe.
“Mom, wala po ba kayong sasabihin about Blaise’s uniform?”
“Nothing, son. Your Dad is right naman. Bagay sa kapatid ninyo ang new uniform niya.” Kinilig ako sa sinabi ni Mommy at pangiti-ngiti kong binalingan ang dalawa kong poging kuya.
“Siguraduhin mo lang, Blaise na walang babastos sa iyo sa school ninyo.” Tinanguan ko naman ang panganay nina Mommy at Daddy.
“I promise po, if may gagawa no’n sa akin ay tatawagan ko po kayo agad ni Kuya Blaize,” sabi ko na lamang.
“Kumain na lamang tayo. Hayaan na muna natin sa ngayon si Blaise,” ani Dad.
Sabay naman kaming kumain pero hindi talaga nawala ang pagpapaalala nila sa akin about my uniform. Inaamin ko naman na super sexy nga nito pero ayos naman na. Just like what I said ay comfortable naman ako. Kasi kung hindi ay hindi ko ito susuotin. Like, bakit mo nga ba pagtsa-tsagaan kung ka naman comfortable, right?
Plat form ang suot kong panyapak na may 4 inches ang taas nito. 5’7 lang din ang height ko pero nagawa ko pang magsuot ng ganitong kataas na heels. Kaya nang makita na naman ng overprotective kong mga kuya ay pinuna na naman nila iyon.
Noong senior high school pa lamang ako ay hindi naman talaga ganito ang mga isinusuot ko. Okay na ako sa plat lang.
“Let her be, honey. College student na nga bunso natin,” sabi lang ni Mommy sa kanila na ikinailing na naman nila. Kinindatan ko silang dalawa.
I’m glad to have them as my kuyas na overprotective.