Chapter 4: Single father
“HUSH now, Mommy. Dada and I are not going to hurt you. We loves you, Mom,” malambing na sabi pa sa akin ng batang babae at nagawa pa niyang haplusin ang pisngi ko. Mainit ang malambot niyang palad.
Magkamukha ba kami ng kanyang ina para lang pagkamalan niya akong Mommy niya? Hindi ko na lamang siya pinansin pa dahil sinusubukan ko nang tanggalin ang hita ng lalaki sa baywang ko. Ang bigat niya!
“Jaelly!” sigaw ko sa pangalan ng friend ko at kasabay na bumukas ang pintuan ng kuwartong ito.
I felt relief nang makita ko na si Jaelly na nga iyon at namimilog pa ang mga mata niya sa gulat nang makita niya rin ang ayos ko. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin.
“What in the world...” Napatutop pa siya sa bibig niya at naglakad palapit sa bed.
“J-Jaelly, please... Help me... K-Kanina pa ako ganito at nahihirapan na akong huminga!” I exclaimed at nanigas lang ang katawan ko nang maramdaman ko ang isang palad ng lalaki at nasa kanang dibdib ko na. Parang tatakasan na ako ng kaluluwa nang mariin niya itong pinisil. Bumagal ang paghinga ko at dahil iyon sa sunod-sunod kong paglunok. “J-Jae—” Hindi na lang iyon ang ginawa nito sa akin dahil nakasubsob na ang mukha niya sa pagitan ng balikat at leeg ko.
Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya na tumatama sa balat ko at nakikiliti ang parteng iyon pero mas nagingibabaw ang kabang nararamdaman ko.
Nang tingnan ko nga ang ayos ko ay gusot na gusot na ang suot kong uniform. Nakalihis na pataas ang skirt ko kaya lumilitaw na ang legs ko.
Jaelly burts out laughing at saka niya lang ako tinulungan. Tinanggal na rin niya ang hita ng daddy ng bata pero nagagawa pa rin niya ang bumungisngis.
“You already meet the daddy tigre and our little pusa,” she uttered but I didn’t get it.
Inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon pero nang hihilahin na sana niya ako nang mabilis na gumalaw ang lalaki at mahigpit na naman ako nitong niyakap. Halos maiyak ako sa ginawa nito. Parang na-harass ako sa ginagawa niya.
“What are you doing, Jaelly? Why are you taking my human pillow?” Narinig ko na naman ang baritonong boses niya pero ano raw ang tawag niya sa akin? Human pillow? Human pillow?!
“Kuya, mahiya ka naman! She’s my friend at huwag mo siyang gawing human pillow mo!” sigaw ni Jaelly at doon ko lang nalaman na kuya pala niya ito. “Hala, kaya naman pala nagkakaganyan ka! Dahil may sakit ka!”
“Tita, don’t shout my Dada. He’s sick po kaya,” marahan na sita ng bata kay Jaelly at nang lingunin ko siya ay nakaupo na pala siya sa tabi ko pero gumapang siya para umupo sa lap ko. Yumakap din ang maliliit niyang braso sa baywang ko.
“God... Ang ganda ninyong tingnan pero kuya! Kakasuhan ka na ni Blaise ng sèxual harassment! Sige ka! Let her go! Let her go, Kuya Jaive!” Kahit ano pa nga ang ginawa niya ay hindi man lang tumitinag ito. Mahigpit pa rin ang yakap sa akin. “Ayaw mo siyang bitiwan? Sorry ha, Blaise. Wait lang,” paalam niya at pumasok siya sa isang pintuan.
I don’t know if saan siya pupunta pero ang alam ko lang ay bathroom ang pinasukan niya. Pero nang lumabas nga siya ay may dala na siyang basin na naglalaman ng tubig.
“What are you doing, Jaelly?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.
“Ito lang ang paraan para makawala ka riyan, Blaise. Promise effective ito.” Nang akma na nga niyang isasaboy ito sa amin nang pinigilan ko siya.
“Ako na! Ako na ang gagawa ng paraan, Jaelly. Huwag mo na kaming sabuyan pa ng tubig,” ani ko at bumaba pa ang tingin ko sa bata. Inosenteng nakatitig lang ito sa akin. Nang haplusin ko nga ang pisngi niya ay napangiti siya at mas humigpit ang yakap niya. I took a deep breath.
“Blaise?”
“Put that thing down, Jaelly,” mahinahon na saad ko. Nagdadalawang-isip pa nga siya pero sa huli ay sinunod pa rin niya ang sinabi ko.
“What now, Blaise?” she asked me and I glanced at the little girl again.
“Baby...” Automatikong nag-angat ito sa akin nang tingin at tumulis ang labi niya.
“Hmm?” malambing na tugon niya.
“May sakit ang dada mo. Kaya bawal mo siyang yakapin dahil baka lumipat ang fever niya sa ’yo. Gusto mo bang lagnatin?” I asked her but she shook her head.
“Ayaw ko po,” inosenteng sagot niya.
“Then, doon ka na sa tita mo. Baba ka na muna,” ani ko at nilingon pa niya si Jaelly saka siya tumango.
Tinulungan na siya ni Jaelly na makababa at hinawi pa niya ang buhok niyang nasa pisngi niya.
“You know what, Blaise. Ang pusa namin ay mailap ito sa mga tao at hindi mo siya basta-bastang mauutusan lang.”
“What? Pusa?”
“Yes. Sige, ikaw na ang bahala sa daddy niyang tigre, ha? Kaya mo naman na pala,” naaaliw na saad pa niya saka sila lumabas ng pamangkin niya. Nagpakawala ako ng buntong-hininga.
The man, nakatukod pa rin sa balikat ko ang chin niya at alam ko kung lilingon ako sa kanya ay dadampi lang ang labi ko sa pisngi niya.
Bumaba ang tingin ko sa braso niyang maugat. Natutulog ba siya? Kaya ba niyang matulog nang nakaupo lang siya? Sinubukan ko na lamang na alisin ang mga braso niya.
“You’re such a pervert. Isusumbong na talaga kita sa mga kuya ko,” mahinang saad ko.
“Mga kuya?” Natigilan pa ako dahil gising naman pala siya.
“Bitawan mo na ako. Kanina ka pa nakayakap sa akin at kapag makikita ka ng wife mo ay alam mo ang mangyayari. Magagalit siya sa akin at iisipin niya na may namamagitan sa atin. Kaya bit—” hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang binuhat niya ako at hininga sa kama.
Mabilis siyang pumaibabaw sa akin at nagbalik lang ang kabang nararamdaman ko. Nagtagpo ang mga mata namin at super lamig no’n. Wala nga akong mabasa na kahit ano’ng emosyon. Pero ang ganda ng eyes niya. Itim na itim na parang kakulay nito ang kadiliman pero may kislap pa rin.
Tila nahihipnotismo ako sa paraan ng titig niya. Ang tangos pa ng ilong niya at namumula ang mga labi. Kamukhang-kamukha niya nga ang batang babae. Halatang anak niya iyon.
“W-What...” kinakabahan na utas ko nang haplusin niya ang kaliwang hita ko. Nagbigay iyon sa akin ng kilabot.
“What’s your name, baby?” he asked me with his husky voice. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa hita ko na.
“Let me go! I will sue you na talaga! Isusumbong pa kita sa mga kuya ko!” pananakot ko sa kanya. Sobra-sobra na nga ang ginagawa niya sa akin.
“Ah, you’ll sue me? Then, paninindigan ko ang ginawa ko,” balewang sabi niya lang at nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang mukha niya. Mariin akong napapikit at sinusubukan ko pa rin siyang itulak.
Bago lang sa akin ang eksenang ito kung kaya’t may takot sa puso ko. Hindi ko na nga napigilan pa ang humikbi at doon niya lang ako tinigilan.
“Don’t cry, please. Hush now, baby...” pag-aalo pa nito sa akin kasabay na hinila niya ako paupo at nakulong na naman ako sa mga bisig niya.
Mainit ang katawan niya dahil may lagnat nga siya pero nang maramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko at ang paulit-ulit niyang paghalik sa sentido ko ay bigla na namang kumalma ang sistema ko.
Nawala ang takot ko, ang kaba sa dibdib ko pero nandoon pa rin ang hindi normal na heartbeat ko. Bakit parang sa mga bisig niya ay feeling ko ay safe na ako? Na secure na ako sa kanya?
Dumikit ang pisngi ko sa dibdib niya. Naririnig ko rin ang mararahan na t***k nito.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang dalawa. “Hay. Kuya, bitawan mo na nga sa Blaise. Kanina ka pa naka-tsansing sa kanya. Kuya, bata pa iyang kayakap mo, naku!” bulalas ni Jaelly at naramdaman ko ulit ang malaking palad niya na humahaplos sa pisngi ko.
Napapapikit ako at iniangat niya lang ang chin ko. Nagtagpo ulit ang aming mata. Pinunasan niya ang tumulong luha ko.
“Tinakot ba kita?” mahinahon na tanong niya. Ang hina ng boses niya na parang bata lang ang kausap niya. “Now go...” sambit niya at inilahad ulit ni Jaelly ang palad niya.
“Come on, Blaise,” she uttered.
Tinanggap ko iyon at nanghihina ang mga tuhod ko. Dahil iyon sa kakaibang naramdaman ko habang nakakulong ako sa mga bisig ng kuya niya.
Ramdam ko nga ang malamig na mga mata niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.
“Jaelly. Take my daughter with you. Huwag mo siyang palapitin sa akin,” sabi pa niya.
“Sasabihan ko si manang na papasukin sa kuwarto mo, Kuya. Bakit ka ba kasi nagkasakit, ha?”
Doon lang din ako nagkaroon nang lakas ng loob na tingnan ulit ang lalaki. Nakadapa na siya sa bed niya at ang likuran niya lamang ang nakikita ko. Mabilis akong nag-iwas nang tingin saka ako huminga nang malalim.
***
Dinala ako ni Jaelly sa living room nila at nasa tabi ko pa rin ang pamangkin niya. Ayaw niya rin akong pakawalan, eh. Sumiksik pa siya sa tagiliran ko kaya niyakap ko na lang siya ng patagilid.
Umiinom na ako ng hinanda kanina ni Jaelly na kiwi juice at kumakain naman ng biscuit ang bata.
“Ano ang pangalan ng pamangkin mo, Jaelly? Nasaan ba ang Mommy niya?” tanong ko sa kanya na abala rin sa pagkain niya ng chips. Nasa kabilang couch naman siya nakaupo.
“Her name is Anderly Irish, Blaise. Her nickname is Rish.”
“Eh, bakit tinatawag mo siyang pusa?” kunot-noo tanong ko.
“Mommy, inom,” sabi nito at inalalayan ko siyang makainom ng drinks niya na may straw pa. “Thank you, Mommy.”
“Mailap nga siya at lahat ng maid namin ay hindi siya kayang alagaan dahil ayaw niya. Kahit nga ang lapitan siya ay tumatakbo na siya palayo,” paliwanag niya.
“Takot ba siya sa mga tao?” curious kong tanong na inilingan niya.
“Hindi. Ganyan lang siya, ayaw niya na may ibang tao ang nag-alaga sa kanya. Kami lang ng daddy niya at sina Mom at Dad,” sabi pa niya.
“Eh, ang Mommy niya? Nasaan siya?”
“Ewan ko sa daddy niya,” kibit-balikat na sagot niya lamang.
Wala siyang alam? Hindi kaya single father ang kuya niya? Kasi bakit din nasa mansion pa nila ang mag-ama?
Imposible rin naman kasi na pagkamalan akong Mommy ni Irish kung hindi ko kamukha ang Mommy niya, hindi ba?
Ang mga bata pa naman ay hindi talaga nagsisinungaling. Nagsasabi rin sila ng totoo. Nasaan kaya ang wife ng kuya niya?