CAMILLE CAMERON SAUNDERS "Cami" tawag ni Vienna napansin kong madaming nakatingin sa kanya, ikaw ba naman may kaibigan na diyosa kaya nararamdaman ko na naiinis sa kanya ang mga babae dahil laging nasa kanya ang atensyon ng mga kalalakihan. "Saan ka pupunta?" tanong nito sabay lingkis sa braso ko na parang sawa, ilang beses ko na ba siyang pinagsabihan na wag masyadong clingy sa akin pag nandito kami sa school dahil baka anong isipin nila at ang kinakatakot ko na pati siya madamay sa pambu-bully sa akin. "I'm going to work sa coffee shop malapit lang dito" sagot ko sa kanya napataas naman ang kilay niya "Ikaw magt-trabaho? Diba ang dami mong credit cards at isa pa isa kang anak ng billionaire kaya hindi mo na kailangan pang mag trabaho" sabi niya luminga naman ako sa paligid baka k

