CAMILLE CAMERON SAUNDERS LUMAPIT ako sa kanya at niyakap mula sa likuran napansin ko ang pagsinghap niya itataas na niya sana ang kanang kamay niya alam ko sasampalin niya ako pero bago pa mangyari yun nagsalita ako. "May tagos ka" malamig na sabi ko sa kanya hindi ako nagpapakita na kinakabahan ako na ngayon ay magkalapit ang katawan naming dalawa. "Bakit kasi pumapasok ka na hindi mo chini-check ang sarili mo" pagpapatuloy ko sa totoo lang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Kahit niloko niya ako mahal ko pa din siya. "May extra ka ba? Kailangan mong magpalit" sabi ko nanatili pa din siyang tahimik — pagkakaalam ko maldita lang tong si Georgina pero hindi siya pipe. "Georgina nakikinig ka ba?" "Sorry" nakayukong sabi niya "m-meron pero nasa locker ko pa" sagot niya hinu

