Chapter 26 Jesirey’s Pov HINAYAAN ko lang si Demetrius na nakaupo sa sala. Hindi ko na siya pinasama sa kwarto ko at pumayag naman siya. Tinakot ko kasi siya at sinabi kong hindi ako sasama sa kanya kapag sumama siya sa kwarto ko. Nadadala naman pala siya sa takot kaya ako lang mag isa ang nasa kwarto. Dali-dali ko pang nilock ang kwarto ko upang hindi siya makapasok sa room ko. Nang malock ko ang kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko na ginagamit ko sa pangkat namin. Tatawagan ko si Kissiah para masabi ko na wag niyang ibigay ang mga larawan na pinahanap ko. Tinawagan ko agad ang gaga pero ang tagal sumagot. Babatukan ko talaga siya kapag nakita ko siya. “Ang tagal mong sumagot..” saad ko pa habang hinihintay na sumagot ang babaeng yun. Ilang sandali pa ay sumagot si Kissiah

