Chapter 24 Jesirey’s Pov MAGKASAMA kaming bumaba ni Demetrius sa hagdan para mag almusal. Iniisip ko kung anong gagawin ko para makatakas sa kanya. Nakakainis! Na late ako ng gising. Sabi ko pa naman ay tatakas ako sa kanya kapag lumabas siya ng kwarto niya tulad ng dati. Pero hindi ko nagawa dahil ang sarap ng tulog ko. Habang bumaba kami ng hagdan ay magkahawak kamay pa kaming dalawa. Natatawa na lamang ako dahil pinapangatawanan talaga niya na girlfriend niya ako kahit hindi naman talaga. Nakakabaliw siya! Ayaw naman niyang bitawan ang kamay ko. Tinungo namin ang kusina at halos magulat ako ng makita kong may tao do’n. Nagulat din yata ang tatlong lalaki ng makita nila ako. Napalunok na lamang ako ng laway dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na’t nasa harapan ko si Honey

