Chapter 65 Jesirey’s Pov MATAPOS kaming naglakad lakad ay tinungo na namin ni Demetri ang sasakyan kung saan naka park. Nakapag desisyon na kami na uuwi na sa bahay. Napagod na ako kakalakad kaya kailangan na talaga kaming umuwi. Busog na din ako dahil may nakita kaming ice cream parlor na malapit sa plaza. Bumili siya ng ice cream para daw mawala na ang inis ko sa kanya. Kaya ayon.. bati na naman kaming dalawa. Hindi na ako galit. Ang dami naming pinag usapan dito habang naglalakad lakad. Para bang na refresh ang isipan ko sa inis ko kanina. Nawala na ang galit ko kaya pwede na akong umuwi sa bahay. Pinagbuksan pa ako ni Demetri ng pintuan ng sasakyan at agad na umikot si Demetri papunta sa driver seat. Binuhay niya agad ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. Nakatitig lam

