Chapter 42 Demetrius Pov NAGISING kami ni Jesirey dahil sa malakas na katok mula sa labas ng kwarto namin. Nabulabog kaming dalawa ni Jesirey kaya agad akong bumangon. “S-Sino yun?” Tanong ng girlfriend ko. “Titignan ko muna, my love.” Sagot ko saka inayos ang suot nyang damit. Pinatakan ko ng halik ang labi niya at agad akong bumaba sa kama. Naglakad ako papunta sa pinto at agad na pinihit ang siradura ng pinto at binuksan ang animal na kumakatok sa pinto. Nang mabuksan ko ay nakita ko si Honey at Val. Halata sa mukha nila na para bang nag aalala. “Anong nangyari sa inyong dalawa? Alam niyo ba na nagising kami ng girlfriend ko sa lakas ng katok niyo.” Inis kong sabi sa dalawa. Nagpapahinga kami matapos ang bakbakan namin dalawa. Babatukan ko talaga sila kapag puro kalokohan lang

