Isang mura galing kay Lorenzo ang narinig ko. Agad kong binigay sa kanya ang dalawa. Gusto ko pa talagang bumalik sa loob. I am wearing my bullet proof inside my shirt too kaya kampante kapag nagkataon ngunit kaagad naman akong pinigilan ni Lorenzo. “Kaya ko ‘to, hahanapin ko lang si Lovie!” marinig kong sabi sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Kaya na iyon ni Carter at Ramil, Isobel. Baka ano pa ang mangyari sa ‘yo!” “Walang masama ang mangyayari sa akin, Lorenzo. Hindi ako matatahimik ng hindi ko malalaman kong maayos ba si Lovie o hindi!” Walang nagawa si Lorenzo dahil hindi talaga ako nagpatinag sa kanya. Binitawan niya ako at tumakbo ako pabalik sa loob ng abandonadong gusali. Nagtago muna ako sa likod at tinignan ang kaninang lugar kong nasaan kami. I saw Rudy’s body on

