"MUKHANG wala ka na namang balak na umuwi, Alyssa?" tanong sa kanya ng kaibigang si Krissa nang minsang tawagan siya nito para kamustahin. Pinagdikit naman ni Alyssa ang ibabang labi sa tanong nito. "May balak naman," sagot niya sa kaibigan. "Pero bakit parang hindi ka sigurado?" At mukhang nabakasan nito ang walang kasiguraduhan sa boses niya. Hindi naman napigilan ni Alyssa ang matawa sa sinabi nito. "Uuwi ako. Hindi ko lang alam kung kailan kasi hindi pa kami nakakapag-usap ni Audrey." "Na naman?" "Hindi na naman kasi nagpaparamdam," sagot niya. "Parang nakakaduda iyang kakambal mo," pansin ni Krissa. "Mahal ba talaga niyan ang boyfriend niya? Dahil kung mahal niya hindi iyan gagawin ng kakambal mo? Hindi ka niya pakikiusapan para magpanggap na siya." Hindi naman agad nakap

