ALYSSA waited for Franco to pick her up. Kanina ay tumawag ito sa kanya para i-inform siya na paalis na ito ng condo para sunduin siya doon. Sinabi naman niya dito na ready na siya at hihintayin niya ang pagdating nito do'n. At habang hihinintay ni Alyssa si Franco ay binasa niya ang details na senend sa kanya ni Audrey. Binabasa niya iyon para hindi naman siya mukhang tanga sa pupuntahan. Para naman may ideya siya. Anniversary party pala ng investor sa kompanya ni Franco ang pupuntahan nilang party ng sandaling iyon. Sinabi ni Audrey na huwag daw siyang kabahan dahil hindi naman daw siya kilala do'n, tanging si Franco lang daw ang kilala do'n. Pero gayunman ay hindi pa din nakatulong iyon para hindi siya makaramdam ng kaba. Paanong hindi siya kakabahan? First time ni Alyssa na um-atte

